
Ipinauubaya na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang pagsagot sa isyu ng umano’y malalaking pondong inilaan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kanyang distrito mula 2023 hanggang 2025.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nabasa mismo ng pangulo ang ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na nagsasabing kabilang ang distrito ni Cong. Sandro sa mga pinakamalaking nakatanggap ng allocable funds ng DPWH.
Pero handa aniya ang Presidential Son na dumalo sa pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ngayong linggo, kung saan ipapatawag siya para sagutin ang mga alegasyon.
Dagdag pa ng Castro, bukas sila sa anumang lifestyle check, hindi lang kay Sandro, kundi maging sa buong First Family sa gitna ng mga paratang ng korapsyon.
Giit ni Castro, handa aniyang harapin ng First Family ang mga isyu at wala itong itatago.









