
Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na bukas na siya at handa nang magkaroon ng apo mula sa kaniyang tatlong anak na lalaki.
Sa kaniyang ikalimang podcast, ikwinento ng pangulo, na mula pagkabata ay pinalaki niya ang kaniyang mga anak na lalaki bilang “buong tao” at hindi kailanman tinrato na parang bata lamang.
Hindi raw siya gumamit ng “baby talk” at mas pinili niyang kausapin sila ng diretso bilang mga indibidwal na may sariling pagkatao.
Ngayon, habang nakikita niyang nagkakaedad na rin siya, inamin ng pangulo na gusto na rin niyang maranasan ang pagiging lolo, at nag iwan ng pabirong mensahe sa mapapangasawa ng kaniyang mga anak.
Si Pangulong Marcos at First Lady Liza Araneta Marcos ay may tatlong anak na sina Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos, Joseph Simon Marcos, at William Vincent Marcos.









