PBBM, handa pa ring mag-veto ng line items sa 2026 budget kahit kapos sa oras

Hindi magdadalawang-isip si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mag-veto ng mga line item sa 2026 national budget kapag may nakita siyang depekto o probisyong hindi pabor sa mamamayan.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, kahit nagbago ang iskedyul ng pagsusumite ng enrolled bill mula sa Kongreso, dadaan pa rin sa mahigpit na pagsusuri ng Pangulo ang panukalang badyet.

Giit ni Castro, kahit sinasabi ng Kongreso na malinis at walang korapsyon ang 2026 budget, sisiguruhin pa rin ng Pangulo na ito ay makatao, tapat, at tunay na nagsisilbi sa interes ng taumbayan.

Dagdag pa niya, personal na bubusisiin ni Pangulong Marcos ang budget at handa siyang i-veto ang anumang bahagi na hindi makabubuti sa publiko kahit kapos sa oras.

Facebook Comments