PBBM, handang ilabas ang kaniyang SALN

Handang isapubliko ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kaniyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) sakaling hilingin ito ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) o ng Office of the Ombudsman.

Ginawa mismo ng pangulo ang pahayag matapos alisin ng Ombudsman ang mga limitasyon sa pag-access ng publiko sa SALN ng mga opisyal ng gobyerno.

Ayon sa pangulo, susundin nila ang mga dating patakaran sa paglalabas ng SALN na ipinatigil ng administrasyong Duterte.

Hihikayatin din ng pangulo ang kaniyang mga Gabinete na gawin ang kaparehong aksyon.

Facebook Comments