
Bukas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isailalim sa witness protection program ang mag-asawang Discaya matapos nilang pangalanan ang ilang mambabatas na umano’y sangkot sa anomalya sa flood control projects.
Ayon sa Pangulo, kung sila ay mapatunayang kwalipikado, maaari silang agad mapasailalim sa programa.
Pero kahit hindi pa sila pormal na state witness, tiniyak ng Pangulo na kikilos kaagad ang mga otoridad kung may banta sa kanilang buhay.
Paliwanag ng Pangulo, gagawin ito ng pamahalaan hindi lamang dahil bahagi sila ng imbestigasyon, kundi dahil tungkulin ng estado na siguraduhin ang kaligtasan ng bawat Pilipino.
Sisiguruhin din ng Pangulo na masusing susuriin ng bubuuing independent commission ang mga alegasyon ng mag-asawang Discaya.
Hindi pa aniya ito matatawag na “rebelasyon” kundi alegasyon pa lamang dahil kailangan pa ng sapat na ebidensya.









