PBBM, handang magpa-imbestiga sa ICI

Handa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sumailalim sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kung may matibay na ebidensya na nag-uugnay sa kanya sa umano’y anomalya sa flood control projects.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, matagal nang bukas ang Pangulo sa ganitong proseso at nakahandang sagutin ang lahat ng paratang.

Giit niya, hindi magpapasimula ng imbestigasyon ang Pangulo kung alam niyang siya mismo ang masasabit, kahit pa umabot ito sa mga kaalyado at kamag-anak.

Layunin umano ng Pangulo na mailantad ang pangungurakot sa pondo at maparusahan ang sinumang responsable.

Matatandaang idinawit ni dating Ako Bicol Representative Zaldy Co, si Pangulong Marcos, dating Speaker Martin Romualdez, at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos sa isyu ng budget insertion at umano’y pagtanggap ng pera kaugnay ng flood control projects.

Facebook Comments