PBBM, handang sumailalim sa imbestigasyon kaugnay sa umano’y ₱21-M na donasyon ng isang kontraktor na natanggap niya noong kampanya

Handa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sumailalim sa imbestigasyon kaugnay sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na nagsasabing nakatanggap umano siya ng P21 million mula sa Rudhil Construction and Enterprises para sa kanyang kampanya noong 2022.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi nagtatago ang pangulo at bukas siyang sumailalim sa anumang proseso ng pagsisiyasat kung saklawin ng imbestigasyon ang kanyang pangalan.

Giit ni Castro, matapang ang pangulo at kumpiyansa siya na malilinis ang kanyang pangalan sa pamamagitan ng pormal na proseso ng imbestigasyon.

Malinaw din aniya ang posisyon ng pangulo na walang sinuman, kahit siya pa, ang dapat mailayo sa batas o sa anumang pagdinig hinggil sa katiwalian.

Sa gitna ng kontrobersiya, kinikilala ng Malacañang na sensitibo ang alegasyon dahil kinasasangkutan ito ng mga kontratistang may proyekto sa pamahalaan.

Facebook Comments