
Laging bukas ang opisina ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga suhestiyong makakatulong para sa mga Pilipino.
Depensa ito ng Palasyo sa pahayag ng Office of the Vice President (OVP) na na tila hindi umano sinusuportahan ng administrasyon ang mga proyekto at programa tanggapan.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi tatanggihan at handang makinig si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga magagandang suhestiyon mula sa OVP.
Kahit pa aniya ang hiling na pondo ng OVP ay hindi hinahadlangan ng administrasyon.
Sa katunayan, itinaas pa nga sa 903 million mula sa dating 733 million sa ilalim proposed 2026 national budget ng pondo ng OVP.
Giit ni Castro, hindi ang administrasyon ang umiiwas sa pakikipagtulungan kundi mismong si Vice President Sara Duterte.









