
Nanindigan ang Malacañang na walang anumang kinalaman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paghahain ng dalawang impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Palace Press Officer at PCO Undersecretary Atty. Claire Castro, wala halos bagong isyu sa dalawang impeachment complaints, at kung mayroon man, ito ay limitado lamang.
Ipinauubaya na rin ng Malacañang sa Kongreso ang pagbusisi at pagdedesisyon sa dalawang bagong impeachment complaints na inihain laban kay Vice President Sara Duterte.
Kahapon, nagsampa ng impeachment laban sa Bise Presidente ang Makabayan bloc at ang Tindig Pilipinas.
Facebook Comments










