Tuesday, March 3, 2026

PBBM, hihiling ng kapangyarihan sa Kongreso para maibaba ang excise tax sa produktong petrolyo

Makikipagpulong si Ferdinand Marcos Jr. sa mga lider ng Kongreso upang pag-usapan ang posibleng pagbibigay sa kanya ng kapangyarihan na bawasan ang excise tax sa produktong petrolyo.

Ito ay sakaling umabot sa $80 kada bariles ang presyo ng Dubai crude o Brent crude sa world market.

Ayon sa Pangulo, maaaring ipatupad ang pansamantalang pagbaba ng buwis upang maibsan ang epekto nito sa mga motorista at mamimili.

Sa kabila nito, tiniyak ni Pangulong Marcos na sapat ang suplay ng langis ng bansa sa gitna ng tensyon sa Middle East.

May nakaimbak na suplay ang Pilipinas na tatagal ng 50 hanggang 60 araw para sa gasolina, fuel oil, at kerosene.

Kaya wala aniyang dapat ipangamba ang publiko habang patuloy na mino-monitor ng pamahalaan ang galaw ng presyo ng langis sa world market.

Facebook Comments