Target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang nakatakdang biyahe sa Saudi Arabia na hikayatin ang mga negosyante sa lugar na mag-invest sa Maharlika Corporation.
Sa pre-departure briefing sa Malakanyang, sinabi ni Office of ASEAN Affairs Office Asec. Daniel Espiritu na ipipresenta ni Pangulong Marcos ang Maharlika Fund sa mga nagnenegosyo sa Saudi Arabia.
Bukod sa target na ito, plano ni Pangulong Marcos na matalakay sa kanyang bilateral meeting kay Saudi Arabia King Salman bin Abdulaziz Al Saud ang labor forms para sa Overseas Filipino workers.
Maging ang usapin patungkol sa tulong ng Saudi Arabia sa development ng BARRM o Bangsamoro Autonomous Region and Muslim Mindanao.
Ang pangulo ay aalis sa bansa sa October 19 para dumalo sa ASEAN Gulf Cooperation Council o GCC summit na gaganapin sa October 20.
Aalis din agad ang pangulo sa Saudi Arabia sa October 20.