
“WATCH ME SUSTAIN IT!”
Ito ang hamon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa mga bumabatikos na pampapogi lamang at hindi sustainable ang bentahan ng ₱20/kilo ng bigas.
Ayon kay Pangulong Marcos, nakakita na sila ng paraan at nakikipagkasundo na rin sa ibang mga bansa para hindi pabago-bago ang presyo ng bigas.
Hamon ng pangulo, hintayin na lang ang mangyayari at tiyaka aniya siya balikan ulit ng kritiko sa 2028 kung natuloy ba ang pangakong 20 pesos na bigas o hindi.
Samantala, kailangan din aniyang mabalanse para ang presyo ng pagbili ng National Food Authority (NFA) ng palay sa mga magsasaka ay hindi naman palugi kundi manapatili sa magandang presyo para sa ikagaganda ng kanilang hanapbuhay.
Ngayong tanghali ay sinaksihan ni Pangulong Marcos ang proseso ng pagbili ng palay ng NFA sa mga magsasaka dito sa NFA warehouse sa San Ildefonso, Bulacan.
Nakipagdayalogo rin si Pangulong Marcos sa mga magsasaka para malaman ang mga kailangan nila sa pag-aani at planting season.









