PBBM, hinamon na maunang sumailalim sa lifestyle check

Suportado nina Representatives Antonio Tinio ng ACT Teachers Party-list at Renee Louise Co ng Kabataan Party-list ang utos na lifestyle check ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga opisyal ng gobyerno simula sa Department of Public Works and Highways.

Pero hamon nina Tinio at Co kay Pangulong Marcos, magsilbing halimbawa at maunang sumailalim sa lifestyle check.

Punto nina Tinio at Co, si Marcos ay mayroon ding bilyones na confidential and intelligence funds at may kontrol sa implementasyon buong budget.

Giit naman ni Representative Co, bukod kay PBBM ay dapat ding maunang sumalang ang mga Duterte sa lifestyle check.

Katwiran ni Co, hindi pwedeng mag-lifestyle check lang sa iba habang ang pinakamataas na opisyal ng bansa ay nagtatago ng kanyang yaman at hindi transparent sa kanyang mga transaksyon.

Facebook Comments