PBBM, hinamon ng isang kongresista na pangalanan ang mga politikong sangkot sa flood control projects

Hinamon ni Kamanggagawa Party-list Rep. Elijah “Eli” San Fernando si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na pangalanan ang mga politiko na sangkot umano sa maanumalyang flood control projects.

Katwiran ni San Fernando, mahirap na nagsasabi lang si Pangulong Marcos na may mga sangkot sa katiwalian pero hindi naman pinapangalanan.

ipinunto ni San Ferdnando na paano magkakaroon ng imbestigasyon at paano hahabulin ang mga dapat managot kung hindi natin alam kung sino ang tinutukoy ni President Marcos.

Diin pa ni San Fernando, magiging puro espekulasyon, drama at press release lang kung pagpapasaring lang ang gagawin ng Pangulo sa halip na direkta nitong ihayag kung sino ang mga dapat mahiya at sino ang mga tiwaling pinoproteksyunan o nagbibigay ng proteksyon.

Facebook Comments