Huwag maging isang scrooge o panira sa diwa ng Pasko.
Ito ang panawagan ng Partido Manggagawa (PM) kay Pangulong Bongbong Marcos.
Apela ng grupo kay Pangulong Marcos, huwag pirmahan ang maling 2025 national budget.
Nauna rito, ipinagpaliban ni Pangulong Marcos ang nakatakdang paglagda ngayong araw ng 2025 national budget.
Bukod sa zero subsidy para sa Philippine Health Insurance Corp., o PhilHealth, ilang departamento tulad ng Department of Social Welfare and Development o DSWD, Department of Education o DepEd at Department of Labor and Employment o DOLE ang binawasan sa bersyon ng budget ng Bicameral conference committee.
Umaasa ang grupo na sa 2025, magkakaroon ng 50% na pagtaas sa coverage ng PhilHealth, gaya ng tinalakay sa budget deliberations at ipinangako ni Health Secretary Teodoro Herbosa.