PBBM, hindi aatras at tutuldukan ang katiwalian sa flood control

Hindi uurungan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang usapin ng korapsyon sa maanomalyang flood control projects dahil siya ang nagpasimula ng usapin at siya rin ang tatapos nito.

Ayon sa Pangulo, walang “special treatment” para sa sinuman na aarestuhin, kabilang sina dating Rep. Zaldy Co at 17 pang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Sunwest Corporation na naisyuhan ng warrant of arrest ng Sandiganbayan.

Giit ng Pangulo, tuloy-tuloy ang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso batay sa matibay na ebidensiya, hindi sa tsismis o haka-haka, bilang patunay na gumagalaw ang kampanya laban sa mga lumamon sa pera ng taumbayan.

Nagpasalamat din ang Pangulo sa publiko sa ipinakitang pasensya na ngayon ay nakikita na ang konkretong resulta.

Facebook Comments