PBBM, hindi bibiguin ang sigaw ng taumbayan sa Trillion-Peso March—Malacañang

Tiniyak ng Malacañang na matibay, suportado ng ebidensya, at hahantong sa pagkakakulong ang mga kasong isinusulong laban sa mga sangkot sa flood control scandal.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez, pina-iigting ang case build-up upang mabawi ang pondong nalustay at managot ang mga responsable.

Ito’y para hindi na aniya maulit ang nangyaring lusot sa ilang personalidad sa PDAF cases.

Iginiit ni Gomez na hindi bibitaw si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kampanya kontra katiwalian na siya mismo ang nagpasimula at nangakong tatapusin.

Sa ngayon, may naunang arrest warrants laban kay dating Rep. Zaldy Co, habang nagpapatuloy ang mas malawak na imbestigasyon.

Nasa final stages na rin ang mga kaso mula sa ICI at DPWH para sa pagsampa sa Ombudsman, kaya inaasahang madaragdagan pa ang warrant na ilalabas sa mga susunod na araw.

Facebook Comments