Kinumpirma ng Malacañang na hindi dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa inagurasyon ni United States President-elect Donald Trump.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Acting Sec. Cesar Chavez, ang mga Chief of Diplomatic Missions at kanilang mga kabiyak ang inimbitahan ng Joint Committee on Inaugural Ceremonies para kumatawan sa mga lider ng kani-kanilang estado at pamahalaan.
Dahil dito, si US Ambassador Jose Manuel Romualdez ang kakatawan kay Pangulong Marcos sa inagurasyon ni Trump.
Samantala, wala pang kumpirmasyon kung bibisita si PBBM sa Estados Unidos upang makipagpulong kay Trump sa unang bahagi ng 2025.
Matatandaan na sa mga naunang pahayag ng Palasyo, binigyang-diin ito ang kahalagahan ng diplomasya sa pagsusulong ng interes ng Pilipinas sa pandaigdigang komunidad.