PBBM, hindi kailangang magtalaga ng full-time na kalihim sa DA

Kuntento si Surigao del Norte 2nd District Representative Robert Ace Barbers sa pagganap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Kaya naman para kay Barbers, hindi na kailangang mag-appoint pa si Pangulong Marcos ng isang full-time DA secretary.

Ayon kay Barbers, ang maaaring gawin ni PBBM ay magtalaga ng kaniyang “lieutenant” na maaasahan, mapagkakatiwalaan at makakatulong sa pagpapatupad ng kaniyang mga plano sa DA.


Diin ni Barbers, kita naman na nakatutok at maganda ang performance ni Pangulo Marcos sa sektor ng agrikultura kaya hindi dapat pwersahin na ibigay o ipagkatiwala ang posisyon sa iba.

Tinukoy ni Barbers na halos natupad na ni PBBM ang kaniyang pangako na ibaba ang presyo ng bigas sa ₱20 kada kilo dahil nakakabili na ngayon ng bigas sa Kadiwa stores sa halagang ₱25 per kilo.

Pinuri din ni Barbers ang deriktiba ni PBBM na habulin ang kartel na nagpataas sa presyo ng sibuyas at iba pang produktong agrikultural.

Facebook Comments