PBBM, hindi kampante sa usaping kudeta

Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi siya ganap na kumpiyansa pagdating sa usapin ng katapatan ng mga sundalo at kapulisan sa gitna ng mga panawagang bawiin ang suporta sa kanyang administrasyon.

Ayon sa pangulo, delikado para sa isang lider ang maging kampante, lalo na kung may mga dismayado o ilang grupong nagpaparating ng hinaing.

Ito aniya ang dahilan kung bakit patuloy siyang nakikinig sa boses ng iba’t ibang sektor, mula sa mga sumusuporta hanggang sa mga kritikal dahil ito lamang ang paraan para mapanatili ang tiwala at suporta ng taumbayan.

Gayunman, binigyang-diin din ng pangulo na nananatiling matatag ang suporta ng iba’t ibang sektor sa kaniyang administrasyon.

Kailangan lamang aniyang mag-ingat at maging bukas na komunikasyon upang manatiling kasama ang lahat sa layunin ng administrasyon na pagkakaisa.

Facebook Comments