
Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi siya magbibitiw sa pwesto bilang Pangulo ng bansa.
Sa kabila ito ng mga panawagan ng mga kritiko na siya na lamang ang magresign sa halip na pagbitiwin ang kaniyang mga gabinete.
Sa panayam ng media sa Malaysia, sinabi ng Pangulo na hindi niya ugaling tumakbo o umiwas sa mga problema dahil wala naman aniya itong magandang maidudulot.
Ayon pa kay Pangulong Marcos, hindi niya pinasumite ng courtesy resignation ang mga miyembro ng gabinete para magpapogi lamang at sa halip ay para makita ang tunay na ugat ng problema sa mga ahensya.
Dadaan aniya sa mahigpit na performance review ang mga opisyal ng pamahalaan at dadalhin ito sa mga head of agencies hindi lang sa mga cabinet secretary.
Samantala, tila nairita naman ang Pangulo nang matanong patungkol sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
Giit ng Pangulo, ilang beses niya nang sinabi na ayaw niya ng impeachment at lahat ng kaniyang kakampi sa Kongreso ay hindi nagfile ng impeachment complaint.
Habang ang mga nagsampa naman daw ng reklamo ay hindi niya namkayang utusan ng Pangulo.









