
Iginiit ng Malacañang na hindi kailanman magiging opsyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw sa pwesto sa kabila ng mga kontrobersiya at batikos na ibinabato laban sa administrasyon.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, matapang nitong haharapin ang mga suliraning kinakaharap ng bansa, partikular ang mga isyu ng katiwalian.
Magpapatuloy rin aniya ang trabaho ng pangulo kaya’t walang basehan ang mga espekulasyong magbibitiw siya sa puwesto.
Tinabla rin ng Malacañang ang hamon ni Sen. Imee Marcos na magpa–hair follicle test si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang First Family.
Giit ni Castro, hindi magpapadala ang pangulo sa mga pang-uudyok ng mga destabilizer at obstructionist na ang layunin ay guluhin ang administrasyon at siraan ang First Family.
Matagal na aniyang tapos ang isyung ito at napatunayan nang malinis ang pangulo matapos mag-negative sa una niyang drug test.









