PBBM, hindi magpapaapekto sa anumang performance rating survey

Magandang balita para sa Malacañang ang pinakahuling resulta ng Publicus Asia survey na nagpapakitang tumaas ang ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nangangahulagan lamang ito na nakikita ang pagtatrabaho ng Pangulo.

Gayunpaman, hindi aniya magpapa-apekto si Pangulong Marcos sa anumang numero basta’t gagampanan lang nito ang kanyang tungkulin.

Batay sa pinakahuling PUBLiCUS Asia survey na isinagawa mula June 27 hanggang 30, nakakuha si Pangulong Marcos ng 25% approval ratings sa second quarter, mas mataas ng 19% sa nakaraang quarter habang ang kanyang disapproval rating ay bumaba sa 47% mula sa 57%.

Facebook Comments