Nilinaw ng Malacañang na hindi makikialam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa desisyon ng Office of the Ombudsman na patawan ng preventive suspension si Cebu Governor Gwendolyn Garcia kaugnay ng inisyu umanong quarry permit sa protected area ng probinsya.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ang pahayag ng pangulo na dapat paigtingin ang rule of law at pagtibayin ang due process.

Mahigpit din aniya ang posisyon ng pangulo laban sa mga umaabuso sa anumang kapangyarihan.

Sabi ni Castro, maaari namang mag-avail ng anumang legal remedy ang suspendidong gobernador para maresolba ang kanyang kaso, basta’t naaayon pa rin sa batas.

Bukod sa paalala sa rule of law at due process, umapela rin ang pangulo para sa patas na pagtrato kay Garcia habang patuloy na nireresolba ang mga tanong kaugnay ng kaniyang suspensyon.

Facebook Comments