
Hindi muna dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa unang aktibidad na nakatakda sa Malacañang ngayong alas-nueve ng umaga matapos payuhan ng kaniyang mga doktor na magpahinga.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, siya na muna ang kakatawan sa pangulo sa paggawad ng parangal sa mga Lingkod Bayani ng Civil Service Commission (CSC).
Ipinaliwanag ni Recto na inirekomenda ng mga doktor ang isang linggong pahinga sa pangulo, at normal aniya ito para sa mga may diverticulitis.
Sa kabila nito, sinabi ni Recto na patuloy pa ring tututok ang pangulo sa mga paper works at iba pang gawain.
Kinumpirma rin ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Dave Gomez na si Pangulong Marcos pa rin ang mangunguna sa panunumpa at paggawad ng 4-star rank kay Philippine National Police (PNP) Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ngayong alas-onse ng umaga sa Malacañang.










