
Hindi na kailangang pilitin o itulak pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Senado para magtuloy-tuloy ang pag-usad ng imbestigasyon kaugnay ng mga alegasyon ng korapsyon sa mga proyekto ng gobyerno.
Ayon sa Pangulo, co-equal at independent na sangay ang ehekutibo at lehislatura kaya wala siyang kapangyarihang magdikta sa mga senador.
Tanging ang maaaring gawin ng Palasyo ay iparating ang mga prayoridad ng administrasyon at hilinging pagtulungan ito.
Giit pa ng Pangulo, wala nang mas mabigat na pressure kaysa sa panawagan mismo ng taumbayan kaya sapat na ang boses ng publiko para tiyaking magiging masusi at seryoso ang gagawing pagdinig ng Senado.
Facebook Comments









