PBBM, hindi na nasurpresa sa mababang approval rating nito sa latest survey ng Pulse Asia

Inaasahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang resulta ng inilabas na survey ng Pulse Asia kung saan ay bumaba ang approval rating nito.

Sa media interview sa pangulo, sinabi nitong hindi na siya nasurpresa lalo’t usapin sa bigas ang maaaring nakahila pababa sa kaniyang approval rating.

Pero, inihayag ni Pangulong Marcos na ginagawa nila ang lahat para maging abot kaya ang halaga ng bigas sa mga Pilipino at sa katunayan ay unti-unti nang gumaganda ang suplay nito.


Paglilinaw naman ng pangulo na hindi dahil sa survey kaya patuloy ang kaniyang pagkayod para maibigay sa mamamayan ang mura at magandang suplay ng bigas.

HHindi aniya mahalaga ang survey dahil ang nais niya ay matiyak na maibibigay ang murang bigas sa bawat Pilipino.

Facebook Comments