PBBM, hindi nababahala sa paratang ni Zaldy Co

Bagama’t siniseryoso ng Palasyo ang mga paratang ni dating congressman Zaldy Co, hindi nababahala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa alegasyon nito na siya umano ang utak sa P100 billion na budget insertion sa 2025 national budget.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, walang papel ang Pangulo sa sinasabing budget insertion at walang saysay ang akusasyon dahil puwede naman itong isama sa mismong National Expenditure Program, kaya’t lalong nagmumukhang sablay ang istorya ni Co.

Batid aniya ng Pangulo na kathang-isip at puno ng butas ang mga pahayag ni Co, kaya’t wala itong dapat ikabahala.
Sa halip, itinuturo ng Malacañang na siya mismo ang nagpasimula ng imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects, dahilan para maging malinaw na hindi siya maaaring sangkot sa sinasabing modus.

Hinamon din ni Castro si Co na umuwi sa bansa at harapin ang kaso sa harap ng lehitimong notaryo publiko, at hindi sa kung saan-saan lamang, upang mapatunayan na tunay na testimonya ang mga akusasyong umano’y puno ng inconsistency.

Facebook Comments