
Hindi na naitago ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kaniyang inis nang mapanood ang vlog ng Russian American vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy.
Sa kaniyang vlog, sinabi ng pangulo na biro man o hindi, nakakapang-init talaga ng dugo ang ginawang pambabastos ni Vitaly sa mga Pilipino.
Ayon sa pangulo, bagama’t natural na mababait at mapagpasenysa ang mga Pilipino, hindi siya mananahimik lamang sa pambu-bully ng mga dayuhan lalo kung mismong nasa sarili nating bayan.
Dapat aniyang palagan ang ganitong klaseng pag-uugali at titiyakin niyang may kalalagyan ang naturang dayuhan.
Hinikayat din ng pangulo ang lahat ng mga Pilipino na huwag tumulad sa naturang vlogger na mangugulo at mambabastos para lamang makakuha ng views.
Facebook Comments