
Hindi nasindak si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa maagang pag-anunsiyo ni Vice President Sara Duterte ng planong pagtakbo sa 2028 presidential elections.
Ayon kay Palace Press Officer at PCO Usec. Claire Castro, hindi na nila ikinagulat ang naturang anunsiyo dahil matagal na umanong ramdam ang pangangampanya ni VP Sara, kahit bago pa nito ideklara ang planong pagtakbo sa pagkapangulo.
Wala ring dapat ikasindak dahil nananatiling nakatuon ang administrasyon sa trabaho at mga kasalukuyang programa ng gobyerno.
Giit ni Castro, hindi maaantala ang trabaho ng Pangulo dahil lamang sa pagtakbo ng isang opisyal sa susunod na halalan.
Kung ang iisipin aniya ng Pangulo ay ang mga pahayag ng Bise Presidente, hindi na gagalaw ang gobyerno.
Facebook Comments










