
Hindi pa rin makadadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagdiriwang ng Philippine National Police (PNP) Day na gaganapin ngayong araw sa Camp Crame.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), si Executive Secretary Ralph Recto ang kakatawan sa Pangulo.
Sa halip na personal na dumalo, nagbigay na lamang si Pangulong Marcos ng video message para sa okasyon.
Sa kanyang mensahe, kinilala ng Pangulo ang mahalagang papel ng mga kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan at sa mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng publiko.
Hamon pa ng Pangulo sa mga alagad ng batas na manatiling disiplinado, palaging makita sa mga komunidad, at magbigay ng tapat at mapagkakatiwalaang serbisyo upang maibalik ang tiwala ng publiko.
Pinuri rin niya ang mga pulis at unit na pararangalan ngayong PNP Day bilang pagkilala sa maayos na serbisyo, matagumpay na operasyon, at mabuting pamumuno sa kanilang hanay.










