
Hindi makaasa ng anumang sagot kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang mga kritiko.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, nananatiling kalmado ang Pangulo anuman ang ibatong kritisismo at hindi ito nagpapakita ng bayolenteng reaksiyon.
Giit ni Castro, ilang beses nang binatikos ang Pangulo mula sa iba’t ibang panig ngunit hindi ito nakita ng publiko na nagwala o nagkaroon ng emosyonal na pagsabog, taliwas sa asal ng ilang matataas na opisyal.
Dagdag pa niya, mas pinahahalagahan ng Pangulo ang suporta ng kanyang pamilya at mga kaibigan kaysa sa mga negatibong komento ng kanyang mga kritiko.
Hindi rin umano naaapektuhan si Pangulong Marcos kahit hindi siya batiin, dahil nananatiling nakatuon ang kanyang pansin sa pagtatrabaho at pagsisilbi para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.










