PBBM, hindi pabor sa suhestyong magpatupad ng total deployment ban ng OFW sa Kuwait

Hindi opsyon ang pagpapatupad ng total deployment ban ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait.

Ito ang sagot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos ang hirit ng mga mambabatas na magpatupad ang pangulo ng total deployment ban ng OFW sa Kuwait dahil sa ipinatupad nilang entry ban sa mga OFW.

Ayon sa pangulo, hindi siya komportable na magpatupad ng ban dahil maaring sa mga susunod na panahon ay magkasundo na muli sa mga hindi pagkakaintindihan.


Problema lang ngayon ayon sa pangulo ay ayaw mag-issue ng bagong visa ang gobyerno ng Kuwait dahil may paglabag daw sa patakaran nila ang Pilipinas.

Pero wala namang nakikitang paglabag ang gobyerno ng Pilipinas.

Ayon pa sa pangulo, walang magagawa ang gobyerno sa desisyon ng Kuwait pero patuloy aniya ang negosasyon at konsultasyon sa Kuwaiti government baka sakaling magbago upang makapagpadala na muli ng OFW sa nasabing bansa.

Una nang sinuspinde ng gobyerno ng Pilipinas ang pagpapadala ng householed workers matapos ang karumal-dumal na pagpatay sa OFW na si Julibee Ranara sa Kuwait.

Facebook Comments