
Tiniyak ng Malacañang na hindi hahayaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mauwi sa kaguluhan ang mga kilos-protesta sa bansa.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, malinaw ang utos ni Pangulong Marcos na lahat ng imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects ay dadaan sa tamang proseso para hindi magdulot ng kaguluhan.
Binigyang-diin pa ni Castro na hindi dapat gamitin ang maling impormasyon para palalain ang galit ng publiko.
Ang imbestigasyon, aniya, ay para ilantad ang totoo at tiyaking makakamtan ng mamamayan ang hustisya.
Inatasan na rin ng pangulo ang mga ahensya at law enforcement units na tiyakin ang kaayusan at hindi mauwi sa gulo ang anumang kilos-protesta.
Pahayag ito ng Palasyo kasunod ng ginawang rally ng ilang grupo sa compound ng mga Discaya, at pinagbabato ng putik, at nag-vandalize pa sa gate.
Habang pinukol naman ng mga bulok na gulay ang mga pulis sa harap ng tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).









