PBBM, hindi pinagsisihan ang pagiging pangulo ng bansa

Hindi raw nagsisisi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (PBBM), na naging pangulo siya ng Pilipinas kahit pa mabigat ang mga responsibilidad at napakaraming kailangang gawin.

Sa kaniyang talumpati sa harap ng Visayas governors at One Cebu officials, sinabi ng pangulo na hindi niya itinuturing na problema ang kinahaharap niya ngayon bilang pangulo dahil trabaho raw niya ito.

Isa rin aniya sa dahilan kung bakit wala siyang pinagsisihan sa pagiging presidente ay ang mahabang karera niya sa pulitika kung kaya’t kumpiyansa siya sa mga hamon.


Ang pagiging pangulo raw ng bansa ay isang pinakamalaking karangalan at pribilehiyo na ipaglakaloob ng mga Pilipino sa sinumang maluluklok sa puwesto.

Bago maging pangulo ng bansa, naging vice governor si PBBM ng Ilocos Norte (1981 hanggang 1983), gobernador (1983 hanggang 1986; 1998 hanggang 2007), congressman ng Ikalawang Distrito ng Ilocos Norte (1992 hanggang 1995; 2007 hanggang 2010), at senador (mula Hulyo 2010 hanggang 2016).

Facebook Comments