PBBM, hindi raw nagtatago sa kaniyang mga inaanak tuwing Pasko

Hindi raw tinataguan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaniyang mga inaanak tuwing Pasko.

Sa kaniyang vlog, natanong ng netizens ang pangulo kung maaari bang iwasan ang pagbibigay ng pamasko.

Ayon sa pangulo, hindi niya ito ginagawa at madali siyang hanapin ng kaniyang mga inaanak kaya’t kumpleto at maayos ang talaan ng kanilang pamilya pagdating sa mga ito.

Para naman sa mga ninong at ninang na bihira nang makipag-ugnayan sa kanilang mga inaanak, sinabi ng Pangulo na mas madali na ngayon ang pagbibigay ng regalo.

Maaari na aniyang ipadala ang aguinaldo sa pamamagitan ng digital payment apps gaya ng GCash.

Dagdag pa ng pangulo, sa makabagong paraan ng pamasko, naipagpapatuloy pa rin ang tradisyon ng pagbibigayan kahit hindi personal na nagkikita ngayong Kapaskuhan.

Facebook Comments