PBBM, hindi takot na tumungo sa Davao; pagtulong sa mga biktima ng lindol, mas dapat unahin kaysa pulitika —Malacañang

Hindi kailanman matatakot si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magtungo sa Davao o sa alinmang bahagi ng bansa para tumulong sa mga Pilipinong nangangailangan.

Pahayag ito ng Palasyo kasunod ng personal na pag-inspeksyon ng Pangulo sa Davao matapos ang 7.4 magnitude na lindol na tumama sa rehiyon nitong Oktubre 10, gayundin sa gitna ng mga matitinding batikos mula sa kampo ng mga Duterte.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kilala ang mga Davaoeño bilang mababait at marurunong kumilala kung sino ang tunay na tumutulong sa kanila, kaya naman hindi dapat gamitin ang pulitika para takutin o hadlangan ang Pangulo sa pagtupad ng kanyang tungkulin.

Giit pa ni Castro, inuuna ng pangulo ang pagtulong kaysa pamumulitika, lalo na sa mga panahong humaharap sa kalamidad ang mga bansa.

Bilang lider din aniya ng bansa, determinado si Pangulong Marcos na personal na rumesponde at magbigay ng tulong saanmang panig ng Pilipinas na sa mga lugar na pinakanangangailangan ng gobyerno.

Facebook Comments