
Binatikos ng grupong Manibela ang pagbawi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa taas pasahe sa pampublikong transportasyon na magsisimula na sana bukas.
Ayon kay MANIBELA Chairman Mar Valbuena, patunay umano ito nang kawalan ng kahandaan ng pangulo sa pagharap sa krisis.
Ayon kay Valbuena, para silang binuhusan ng malamig na tubig sa “laban o bawing” desisyon ng gobyerno.
Inihayag din ni Valbuena na kawalan ng malasakit sa sektor ng transportasyon ang direktiba ng pangulo.
Pero sa pahayag kanina ng punong ehekutibo, tiniyak nito na patuloy naman ang pagpapaabot ng tulong sa mga tsuper tulad ng ayuda, diskwento sa toll at iba pa.
Layun din ng suspensyon ng fare hike na mabawasan ang pasanin ng mga pasahero.
Facebook Comments










