PBBM, hinikayat ang ASEAN na makipagtulungan sa India para makakuha ng murang gamot at bakuna sa harap ng COVID-19 pandemic recovery

Hihinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN na makipagtulungan sa India na itinuturing na third worldwide pharmaceutical producer.

Ito ay para makakuha o maka access ng murang gamot at bakuna sa harap na rin nagpapatuloy na recovery dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ginawa ng pangulo ang paghimok sa mga kapwa miyembro ng ASEAN sa kanyang intervention sa ginanap na 19th ASEAN-India Summit sa Phonm Penh, Cambodia.


Ayon sa pangulo, ngayong nasa pandemic recovery ang buong mundo huwag aniyang sayangin ang pagkakataon na makipag-ugnayan sa India para matiyak ang mas mabilis na access ng health services katulad ng gamot at bakuna.

Kailangan aniya ito para masigurong mayroong sapat, mura at high quality na gamot at bakuna.

Samantala, suhestyon naman ni Pangulong Marcos sa kanuag mga kapwa lider na magkaroon ng mas malalim na ugnayan sa India patungkol sa blue economy o pangangala sa resources sa karagatan.

Sa intervention ng pangulo sa ginanap na 19th ASEAN-India Summit sa Phonm Penh, sinabi nitong kailangang makahanap ng paraan ang mga ministers at senior officials sa Indo Pacific para mas mapaganda ang maritime security at economic prosperity cooperation na magpapaganda sa marine ecosystem ng rehiyon.

Facebook Comments