PBBM, hinikayat ang mga abogado na maging kinatawan ng hustisya

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga abogado na maging kinatawan ng hustisya para sa lahat ng Pilipino at hindi lang ng iilan.

Sa kaniyang talumpati sa 20th National Convention of Lawyers sa Cebu City, sinabi ng pangulo na dapat aniyang isulong ng mga ito ang katotohanan at pagiging makatarungan, pairalin ang pinakamataas na professional standards at taglayin ang integridad.

Bilang mga miyembro ng legal community, ang mga ito aniya ang nasa posisyon para protektahan ang Konstitusyon.


Dapat makamit ang hustisya lalo na ng mga higit na nangangailangan.

Kaya naman hinimok nito ang mga abogado sa bansa na maging kinatawan ng hustiya.

Ayon kay Pang. Marcos, bilang mga miyembro ng legal community, ang mga ito ang nasa posisyon para protektahan ang Konstitusyon.

Hinimok din ng pangulo ang mga abogado na manatiling committed sa pag-protekta sa dignidad ng mga tao, sa harap ng pag-usbong ng mga isyu sa cybercrime, data privacy, at artificial intelligence sa lumalawak na digital world.

Sa panig naman ng administrasyon, ay susuportahan nila ang mga abogado sa pagtiyak ng episyente at patas na legal system.

Facebook Comments