PBBM, hinikayat ang mga LGU sa Eastern Visayas na gawin ang lahat ng paraan upang matugunan ang epekto ng global warming

Hinimok ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) ang mga local na pamahalaan sa Eastern Visayas kasama na ang Ormoc City kung papano babaguhin ang mga ginagawa para matugunan ang epekto ng global warming.

Ang Ormoc City ay isa lamang sa mga lalawigan sa Eastern Visayas na hindi nakaliligtas sa matinding tama ng malalakas na bagyo kada taon.

Sa kaniyang mensahe sa ginanap na 75th Ormoc City Diamond Charter Day, Sinabi ng pangulo na bilang prone sa mga natural disasters ang Pilipinas, kailangang gawin ang lahat para mapangalagaan ang kapaligiran.


Kailangan din aniyang maging mulat ang kamalayan sa paggamit sa natural resources, pag-ingatan ito dahil kung hindi aniya ay mauubos ito at magdudulot ng matinding epekto sa kapaligiran at pamumuhay.

Sinabi pa ng pangulo na kailangan ng tulong ng bawat isa sa mundo para malabanan ang nararanasang global crisis.

Facebook Comments