PBBM, hinikayat ang mga Pinoy sa Amerika na maging takbuhan at karamay ng mga kapwa Pilipino laban sa hate crimes

Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga Pilipino sa Amerika na patuloy na maging ambassadors of goodwill para sa bansa at sa kapwa Pilipino.

Sa kaniyang pagharap sa Filipino community sa Honolulu, Hawaii, sinabi ng pangulo na importanteng may mahihingan ng tulong, may matatakbuhan at maging karamay ang mga Pilipino lalo sa na panahong ito na laganap ang hate crimes at mga karahasan sa Amerika laban sa mga miyembro ng Asian American At Pacific islander communities.

Siniguro ng pangulo na patuloy na naka-monitor at nagbabantay ang embahada ng Pilipinas at consulates sa Estados Unidos sa mga ganitong insidente.


Utos din ng pangulo sa embahada at mga konsulada na tulungan ang mga Pilipinong apektado ng ganitong uri ng krimen at karahasan sa pakikipagtulungan na rin ng mga awtoridad sa Amerika.

Tinatayang 4.4 milyon ang mga Pilipino sa Estados Unidos, karamihan sa mga ito ay naninirahan sa Southern California.

Facebook Comments