PBBM, hinikayat ang publiko na palaganapin ang pagmamahal at pagpapatawad sa panahon ng Ramadan

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magsisilbing paalala ang buwan ng Ramadan para mas lalong mapagtibay ang relasyon ng bawat pamilya at buksan ang puso sa kapatawaran.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng Pangulo na ang Ramadan ay tanda ng pagbubuklod ng magkakaibang kultura at relihiyon sa ating bansa, habang iginiit din niya ang malaking ambag ng mga kapatid nating Muslim sa kasaysayan at paghulma sa nagkaka-isa nating bansa.

Kasabay nito, hinikayat din ni Pangulong Marcos ang publiko na magnilay at palaganapin ang pagmamahal at pag-intindi para sa kinabukasan na puno ng pag-asa.


Ang Ramadan ay isang buwan na selebrasyon na ipinagdiriwang ng mga kapatid nating Muslim sa iba’t ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng fasting o pag-aayuno, pagdarasal at pagninilay.

Facebook Comments