PBBM, hinikayat na panghimasukan na ang kwestyunableng programang pabahay ng DHSUD

Hinimok ni Senate Minority Leader Koko Pimentel si Pangulong Bongbong Marcos na panghimasukan na ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing Program (4PH).

Napuna ni Pimentel na hindi umaakma ang programa sa layunin kaya dapat na pakialaman at i-review na ng Pangulo ang 4PH na isa sa flagship program ng gobyerno.

Tinukoy ng senador ang malaking agwat sa disenyo ng mga housing units na naka-focus sa condominium-type housing na sinasabing hindi tugma para sa pangangailangan ng mga benepisyaryo.


Sinabi ni Pimentel na kailangang alamin ang tila sintunadong bahagi ng programa at may puwang pa o pagkakataon pa para ayusin ang nasabing housing budget.

Aniya, hindi epektibong natutugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino kaya kailangan ng review upang matiyak ang optimum at mahusay na pagpapasya sa paggamit ng resources.

Facebook Comments