
Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa bawat pamilyang Pilipino na magkaroon ng malinaw at konkretong plano sakaling tumama ang lindol.
Ayon kay Pangulong Marcos, dapat alam ng lahat ng miyembro ng pamilya, pati ng mga kasambahay kung saan tatakbo at saan magtatagpo pagkatapos ng pagyanig.
Paalala ng pangulo, dapat tiyaking ligtas ang meeting place at turuan ang mga bata ng tamang gagawin sa oras ng sakuna.
Dagdag pa ng pangulo, mas mainam din ang pagkakaroon ng “Go Bag” na naglalaman ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tubig, flashlight, pito, gamot, mahahalagang dokumento, at emergency cash.
Dapat ay madaling aniya itong makuha upang mabilis makalikas kapag may lindol o iba pang kalamidad.
Facebook Comments









