PBBM, hinimok ang bawat Pilipino na maging bayani ng kanilang pamilya at komunidad

Nakikiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Pilipino sa paggunita ng Araw ng mga Bayani.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ng pangulo ang bawat Pilipino na pahalagahan at ipagmalaki ang kalayaang tinatamasa ngayon dahil sa katapangan at sakripisyo ng mga ninunong bayani.

Hamon pa ng pangulo sa mga Pilipino na maging bayani sa sariling gawa sa pamamagitan ng pagiging tapat, masigasig at may malasakit.


Ayon sa pangulo kayang maging bayani ng bawat isa sa pagtataguyod ng kapakanan ng kanilang pamilya at komunidad.

Ngayong National Heroes Day umaasa ang Presidente na ang kabayanihan ng mga Pilipino ang magpapa-alab sa mithiing makamit ang bagong Pilipinas na malakas, maunlad, matatag at ligtas para sa kasalukuyan at mga susunod pang henerasyon.

Facebook Comments