Tuesday, February 17, 2026

PBBM, hinimok ang mga Pilipino na pairalin ang disiplina at tamang direksyon sa Year of the Fire Horse

Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino na salubungin ang Year of the Fire Horse sa pamamagitan ng disiplina, sipag, at malinaw na layunin.

Ayon sa Pangulo, hindi sapat ang mabilis na pagkilos kundi dapat tama ang direksyon.

Binigyang-diin niya ang pagpapalakas ng produktibidad at value chains, pagtiyak ng patas na oportunidad, at tuloy-tuloy na maayos na serbisyo publiko.

Iginiit din ng Pangulo na kailangang protektado ang mga sektor na mas madaling maapektuhan ng krisis.

Para kay Pangulong Marcos, ang tunay na pag-unlad ay nakasalalay sa maayos na pamamahala sa tahanan, industriya, at gobyerno.

Ang Lunar New Year ay panahon ng konkretong aksyon kung saan kapag nagtulungan ang mamamayan, negosyo, at pamahalaan, makakamit ang mas matatag at maunlad na bansa.

Facebook Comments