PBBM, hinimok ang mga Pilipinong ilaan ang araw ng Undas para sa mga namayapang mahal sa buhay

Nakikiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa lahat ng Pilipinong katoliko sa bansa at sa buong mundo, sa paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ng pangulo ang mga Pilipino na ilaan ang Undas para makasama ang pamilya, at ipagdasal at bigyang-pugay ang mga namayapang mahal sa buhay.

Ang mga yumaong mahal sa buhay aniya ang nagbigay-daan sa kasalukuyang kasaganahan sa pamamagitan ng ipinakita nilang pananampalataya, pagmamahal, karangalan, sakripisyo, at serbisyo.


Pagkakataon din ito para pagyamanin pa ang ispiritwal na aspeto ng pamumuhay.

Ang Undas umano ay paalala rin sa mahahalagang katangian na nagpapatibay sa sambayanan, kabilang ang pananampalataya, katatagan, at pag-asa.

Samantala, hinimok din ng pangulo ang mga Pilipino na mamuhay ng may pagmamahal at pagmamalasakit sa iba para sa ikabubuti ng lahat, katulad ng ipinakita ng mga santo sa kanilang panahon.

Nawa’y maging daan aniya ang Undas para maging mas mabuting tao, mas mabuting pilipino, at mas mabuting tagapagbantay ng bansa.

Facebook Comments