PBBM, hinimok ng isang grupo ng mga magsasaka na magbitiw sa pwesto

Nanawagan ang grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na magbitiw na si Pangulong Bongbong Marcos Jr. bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA) at magtalaga ng full time secretary para rito.

Sa isang pahayag, sinabi ni KMP chairperson Danilo Ramos na kailangan nila ng Agriculture secretary na marunong makinig sa sitawsyon at pangangailangan ng mga magsasaka at agriculture stakeholders.

Malinaw para kay Ramos na hindi kayang gampanan ng pangulo ang trabaho bilang kalihim dahil siya rin ang umuupong Chief Executive at Commander-In-Chief.


Dagdag pa nito, hindi na dapat kinuha ni Marcos ang responsibilidad upang pamunuan ang DA dahil ito ay lalong pinahihina ang food security at food-self sufficiency ng bansa.

Una nang nananawagan sina Senator Koko Pimentel at Risa Hontiveros na magtalaga ng bagong pinuno ng DA.

Tinanggihan naman ito ng Pangulo at sinabi kinakailangan pa siya sa kagawaran at sa sobrang hirap ng problema ay kailangan na siya mismo ang humarap ito at lutasin.

Facebook Comments