PBBM, hiningi ang tulong ng media laban sa lumalalang banta ng fake news

Itinuring ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isang malaking problema ang patuloy na pagkalat ng fake news.

Sa harap ng Malacañang Press Corps, sinabi ng Pangulo na marami nang inihahandang plano ang pamahalaan upang labanan ang maling impormasyon, ngunit nananatiling mahalaga ang tulong at pakikiisa ng media.

Binigyang-diin ni PBBM na dapat magtulungan ang pamahalaan at ang mga lehitimong mamamahayag para kontrahin ang mga walang basehang balita na nakapipinsala sa publiko.

Aniya, noong una ay tila nakakatawa lamang ang usapin ng fake news, ngunit ngayon ay malinaw nang nagdudulot ito ng seryosong pinsala.

Aminado rin ang Pangulo na kailangan ng gobyerno ang suporta ng media upang maipaliwanag sa taumbayan kung ano ang totoong impormasyon at alin ang hindi dapat paniwalaan.

Facebook Comments